Pritson ang Pritong Biik


Pritson, pritong litsong biik (suckling pig) ang hinahanap-hanap ko pag ganitong panahon na ng salompas at Oil of Wintergreen dito sa tate. Una ko itong natikman sa handaan ni Bong. Panalo ang presentation, dumating na nasa tampipi. Sayang at hindi ko na-arbor yung tampipi ng Pritson. Binabalot ang tinadtad na Pritson o Lechon de Leche with crispy balat syempre sa pita wedges sabay sawsaw sa original na sarsa ng lechon, hoisin, honey mustard, white garlic, chili tagalog, sate at honey lemon. No double dipping ha? Teka minute punas muna ako ng laway (sabay lunok). Hay kelan kaya ulet ako makakatikim ng Pritson? Hayyyy.




 
Penyamun