Hindi kumpleto ang pasyal ninyo sa Beantown kung walang lobster dinner or tikim maski na isang mini crab cakes man lang. Panalo din ang McDonald's Lobster rolls ($5) dito pag summer. Masarap iterno sa New England Clam Chowder na made with fresh clams. Puwedeng din bumili ng live lobsters sa Logan Airport, pasalubong ready to go. You can also order it online sa James Hook & Company. Paki google na lang po.
Doon sa mga ayaw magluto (mag torture) ng lobster, nandiyan ang Legal Seafoods, sabi nga, if it isn't fresh, it isn't Legal! Or any mom and pop seafood joint dito sa Bahstun o sa Maine and New Hampshire. Mura din po ang Fish and Chips sa Kellys. Fresh North Atlantic white fish, fried crisp outside, tender inside, served with french fries, onion rings and a side of Kelly's own tartar sauce, ten bucks lang po yan. Uyy medyo naglalaway na ako, teka minute meron pa ba tayong fishballs o squid balls sa fridge?