Tama si Paul ang Psychic Octopus, Ingit si Madam Auring

 

Sa big screen ng Marriott Hotel kami manonood ng laban ng Spain vs. Netherlands kaso tinaghali ako ng gising tas disable pa ang Red Line from my place up to Harvard Square. 

 

Uy parang laban ni PacMan ang daming nanonood ng World Cup sa kalye.  Sarado ang Holyoke St.  Panay na ang tawag ni Bertha, nahihilo na daw siya sa gutom kaya kumain na siyang mag-isa sa Prudential.  Bilisan ko daw, ayan hindi tuloy ako nakakuha ng reaction shot.

 

By the time na nakarating ako sa Marriot eh standing room only na.  Ayaw ng magpapasok.  Batok ang inabot ko.  Rayku!  Ang laki ng kamay ni Bertha.  Lipat na lang tayo sa Downtown.  Hirit ko naman.


Pagdating namin sa Downtown eh tapos na ang boksing este World Cup pala.  Uwian na, nanalo daw ang Spain.
 
Penyamun