♪♫ I've seen all the movie stars ♪♫ In their fancy cars and their limousines ♪♫ Been high in the Rockies under the evergreens ... Teka minute, pakanta-kanta pa ako eh expired na pala 'tong lisensiya ko. Buti na lang hindi ako nahuli. Papunta na ako sa LTO este Registry nang makatihan kong i-check yung website nila. Ayun pwede palang mag-renew online. Ang dali, less than 3 minutes lang. After bayad ng $50 (visa) wait ka lang 3 to 5 days me bago ka ng lisensiya via snail mail. Walang cucho-cucho o cheche buretche at mas lalong walang fixer. Sana ganyan na din sa atin.