Pagkatapos malupig ng imperyalistang kano ang conquistador na kastila sa moro-morong "Battle of Manila Bay" ay kinalas nila ang kanyon ng Intramuros. Ito'y ginawang laruan ng tuwang tuwa at walang kamuwangmuwang na Pilipino at kinilo naman ng negosyanteng Intsik.
Kayod kalabaw sa paanan ng Jones Bridge noong kapanahunan ng lelong ko. Makikita sa ibaba ang Plaza Moraga at kung liliko kang pakanan ay Escolta naman. Hila Damulag! Kaya natin yan. Hatak, batak!
Panginoon ako sayo'y taimtim na ngpapasalamat sa lahat ng mga biyaya na aming tinatamasa sa lagi Mong pagkalinga at pagdinig sa aming mga hinaing at lalo't higit sa pagkakaloob Mo isang lolang mapagmahal
Lolang maing pinakamamahal siyang nag-aruga sa apo't mga anak tunay ngang ika'y larawan ng isang mabuting ina at dakilang lola na karapat dapat igalang at ipagbunyi
kami sayo'y taos pusong nagpapasalamat sa magandang paghubog sa aming pagkatao nawa'y ipagpatawad minsanang pagkakamali na nagbibigay sakit sa ulo mo
aming lola tunay ngang ika'y napakadakila ikaw na nakakatanto sa tunay naming katauhan pagkat sa iyong piling namulat yaring kaisipan sa iyong mga kamay na tunay na pinagpala
ngayong kami'y malalaki na panahon na para masuklian namin ang lahat ng pag-aaruga't pagmamahal na taos puso mong ipinamalas sa amin
marapatin nawang ika'y mapaglingkuran ika'y maalagaan ng lubos at ipadama ang wagas na pagmamahal na nakatanim sa aming mga puso para sayo...