Showing posts with label dunkin dog nuts. Show all posts
Showing posts with label dunkin dog nuts. Show all posts

Pinoy Helmet, Walkman, Adidas vs. American Kwek Kwek?



Pampatay ng gutom ng masang Pinoy.  Ihaw ihaw street foods ni manong sa mga kanto ng Maynila.  Bahala na kung saan galing ang mystery meat na ire.  Patibayan lang yan ng sikmura.




Walkman - tenga ng baboy.  Helmet - ulo ng manok.  Adidas - paa ng manok.  IUD - bituka ng manok o baboy.


 

American Kwek Kwek?  Kala ko nga, pero ito po ang bagong Sausage Pancake Bites ng Dunkin.  Half sausage + half pancake = one coronary thrombosis.  Tikim lang siguro ako.

Who Let The Dog Out! Woof Woof Woof Woof!

 

Who let the dog out!  Glog... glog... glog... glog!  Ayan nalunod tuloy si Bantay!

Pinoy Pulutan


Masarap ang inuman ng barkada kung kumpleto sa pulutan.  Panalo ang sisig, inihaw na pusit, manok, baboy, kilawin at inihaw na panga ng tuna. Pero minsan medyo kapos at malayo pa ang katapusan kaya mani, Only Puke, chicharon at sipol na lang ang pinagtiyagaan.

 
Dr Garma Freshly Chopped Chicharon. Kung hindi mo kilala si Dr Garma eh tanong mo na lang sa tatay mo.  Kung hindi ka mutain at hindi bulol si tatay, siguradong nagdaan siya sa kamay este gunting ni doc Garma doon sa me Rizal Avenue. 
 
Penyamun