Noong dekada sisenta ang ginang ng tahanan ay hindi nagbobomba...ng kalan para magluto ng Royal macaroni at spaghetti sa Goodfire Stoves, ang kalan na walang mitsa, hindi de-bomba at mas lalong walang sudutan. Si kuya at si tatay naman ay nakasuot Edwardson Top Star Athletic shoes, ang pinakamatibay sa lahat ng sapatos na goma ever. Magkasalo si bunso at ate sa tigsi-singkong Ideal Beverages na isinabotelya ng Ideal Aerated Water Factory sa Paco, Maynila. Napakasimple lang ng buhay pinoy noong dekada sisenta.