Tawilis ng Lawang Taal

 

Sa lawa ng Taal lamang matatagpuan ang isdang Tawilis.  Sardinas na tubig tabang, Sardinella Tawilis ang tunay na ngalan.  Pinsang buo ng Tunsoy at Tam Ban kadalasan ipinapasang pekeng Tawilis sa mga hindi marunong kumilatis ng kaliskis ni Tawilis. Itoy una at huli kong natikman noong 2003 pa, sa palaisdaan ni Jake, berks ni Bong.  Sa ngayon ay maituturing na endangered species na ang Tawilis.  Sayang naman kung mawawala ang taal na sardinas sa lawang Taal.

 

SNP (siya nga pala) or BTW kuha po yan ng antigong Sony Cybershot 1.3 megapixel ko.  I can't bilibit! Sabida ni Charice. 
 
Penyamun