Ang Jeepney ni Mang Juan de la Cruz

 

May katandaan na ang jeepney ni Mang Juan, minana pa mula sa kano. Kinumpuni, iniba ang disenyo at ibinagay sa mamamayang Pilipino. Jury rig ika nga, pinagtagpi-tagpi, tinali-tali, ganoon pa man ay mahusay pa rin ang takbo maski na may kamahalan ang krudo. Ninakawan, kotong at sinamantala ng mga dayuhan at ng taong pamahalaan.  Alam ko pagod ka na, pero kaarawan mo daw ngayon.  Halika inuman tayo, sagot ko pati pulutan. Hapi bertdey po Mang Juan.

 
Penyamun