Saizen ₱85 vs 99 Cent Store

Ang quick fix sa ginigiyang shopaholic na sinagasaan ng recession rine ay ang Family Dollar, 99 Cent store at iba pang cheap bastard shop o store. Maiibsan ang kati or craving ng mga born agen to consume sa presyong all for a dollar only. Kaya lang halos lahat ng tinda ay seconds or may dipirensiya sa dipirensiya. Don't get me wrong, Pantarorong. Meron din bargains na malaking tulong sa mga naghihikahos na overweight kano.

Sa Maynila naman ay me katapat ang dollar store, eto nga ang Saizen. 85 pesoses lang bawat isang item. Mas ok kasi "Made in Japan" na galing sa China ang mga stuff that you want to buy but don't need. Sa kadadampot mo eh before you know it eh libo-libo na na suma total mo. But ang saya saya mo na parang naka-shabo. Baket? Kasi sabida ng mga sayangtis eh parang drugs yang shopping na nagre-release ng dopamine sa imong utak. Ano ano ba ang mga stuff jan sa Dollar at 85 pesos store? Panoorin na lang ninyo ang bidyo ni Snesaddicted at Leno baba sa ibaba.



 
Penyamun